Advertisers

Advertisers

Greta binash, ipagdasal muna ang ermat na may Covid bago magsabong

0 368

Advertisers

Ni BETH GELENA

UMAMING nasaktan si Kris Aquino sa ginawang pagtrato ni Mel Sarmiento sa anak niyang si Bimby.

Eto ay nang kumalat ang pinost ng isang batikang manunulat na umano’y nagkabalikan na sila ng ex fiance na si Mel.



Ayon kay Kris hindi raw sila nagkabalikan ni Mel.

Sinabi pa niyang iniwan siya ng ex nung panahong down na down siya dahil sa kanyang karamdaman.

Nagdetalye na rin ang  Queen of all Media ng shocking revelation nung time na sila pa ni Mel.

Ayon kay Kris, “Mel ‘failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb’ and that Mel “never once checked on how my son was taking all of this.”

Sinabing rin niyang hindi raw siya minahal at ginamit lang siya ni Mel.



Sambit pa ng Queen of All Media, ini-snub daw ni Mel ang ate niya.

Esplika ng TV host-actress, “It spoke volumes to me nung nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him & hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate.”

Ano naman kaya ang masasabi.ng ex ni Kris sa binulgar niyang pagtatrato ni Mel sa kanyang anak?

***

NADALE rin pala ng COVID 19 ang mom ni Gretchen Barretto.

Sa kanyang uploaded video, ibinahagi niya ang isang larawan habang siya ay nagdarasal.

Ang mga maepal na netizen na wala man lang pakundangan sa kapwa ay may ganitong komento na,

“Pray muna bago magsabong.”

“Tapos derecho sa sabungan after hahahahaa.”

Ang isa namang ito ay may request sa ayudang matatanggap niya.

“Madam pakiayuda narin sakin yung mga Bulagari Serpenti sa kamay mo. Char!”

Nakatataba naman ng puso ang paghangang ito ng isang netizen kay La Greta.

“Grabe nakatitig nalang ako the whole time sa muka nya. Wala parin kupas ang nag iisang La Greta.”

Napansin naman ng isa ang alahas na suot ng dating aktres.

“Madam Greta ikaw na! Nalula ako sa mga alahas ni Madam! Bulgari kung Bulgari!”

“You don’t go there! Lalo at di mo naman naiintindihan ang teachings sa religion ng ibang tao. Ang tawag dun respect.”

“Relihyosa pala?”

Para sa last comment, kahit naman sino.kung ang mahal mo sa buhay ay may karamdaman sigurado kahit naman sino kay God hihingi ng tulong para sa kaligtasan ng mahal mo.

Mas mabisa ang dasal sa maagang paggaling basta ang faith ay nasa puso.