Advertisers

Advertisers

3 months pa lang na kasal… Carla at Tom hiwalay na; Kim hinagupit ng bashers sa tangkang pagbuhos ng mainit na tubig sa maingay na pusa

0 490

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

ALMOST 1 or 2 months na ang lumipas nang kumuda si Kim Chiu sa programang It’s Showtime.

December 6, 2021 pa raw ‘yun at may mga bashers na di pa rin maka-move on sa kabila na sa mismong noontime show ay humingi na ito ng apology.



Ang isyu kasi na ikinairita ng basher ay nung magkomento si Kim na naiinis ito sa pusa na nag-iingay kapag gabi pa mandin.

Naisip daw nito sabuyan ng mainit na tubig ang pusa para tumigil pero humingi na raw ito ng sorry.

Pero may mga basher na nagsabi na pasmado raw masyado ang bibig ni Kim at ‘di pinag-iisipan ang sasabihin bago pa man magbitiw ng salita.

Kaya kahit animal lovers ay nagalit kay Kim sa pagbuhos nito ng mainit na tubig sa nag-iingay na pusa.

Nilinaw ni Kim na pinutol ang nag-viral na video at wala nga raw yung portion na humingi na ito ng sorry.



Hindi naman daw nito magagawa na saktan ang pusa sa kabila na takot ito.

Sa kabila ng mga paliwanag ni Kim ay binabash pa rin ito.

Nakiusap naman ang aktres na tigilan at tantanan na siya ng basher.

***

USAP-usapan naman sa apat ng sulok ng showbizlandia kung hiwalay na nga ba sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Nag-unfollow na raw sa Instagram sa isa’t isa sina Carla at Tom.

Kaya palaisipan kung true na hiwalay ma ang dalawa na 3 months lang nagsama bilang mag-asawa.

May sitsit na laging nag-aaway ang mag-asawa na isa sa ugat ng hiwalayan.

Pero saglit lang daw ay nagkakabalikan din sila.

Marami namang nanghihinayang dahil kakakasal lang nila nung October 2021 at pitong taon silang naging magdyowa.

Ini-expect nga ng netizens na magtatagal ang pagsasama nila as mag-asawa kaso split na raw ang dalawa.

May dagdag sitsit pa na may isang Kapuso actress na kasama ni Tom sa projects na super sweet sa actor.

Hmmmp, kapwa tahimik pa sina Carla at Tom sa isyung hiwalay na sila.

Well, well, well…’Yun na!