Advertisers

Advertisers

Pondong napunta sa sektor ng agrikultura ga-kulangot!

0 425

Advertisers

NAKAKATUWA dahil sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P5.024-trillion national budget para sa 2022 subalit sa parte ng mga magsasaka ay kalungkutan ang dulot nito dahil dalawang porsiyento lang ng kabuuan nito ang napunta sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa datos ng World Bank mga Ka Usapang HAUZ, 10.2% ang naimbag ng agrikultura at pangisdaan sa 2020 Gross Domestic Product ng bansa. Dahil dito, dapat lang na mas pagtuunan ng pansin ang pangangailangan ng mga sektor na ito upang mapasagana ang biyaya galing dito.

Kung pagbabasehan ayon kay Magsasaka Party List Rep. Argel Cabatbat, ang kontribusyon na ito sa ekonomiya ay dapat na nasa P400 bilyon ang pondo ng agrikultura, na siyang suhestiyon mula’t mula pa.



Kaya mga Ka Usapang HAUZ hindi naitago ni Rep. Cabatbat ang kanyang pagkadismaya dahil sa napag-iwanan na tayo ng mga karatig-bansa natin na malaki ang inilalaang suporta para sa agrikultura. Lalo na sa panahon ng pandemya, ang mga magbubukid, mangingisda at maghahayop ang pangunahing bumuhay sa mga mamamayan ng mundo na muntik nang malunod sa walang katapusang lockdown at quarantine, at pagguho ng mga ekonomiya.

Samantalang ang mga Pilipinong nagpapakain sa bansa, iniinda pa rin ang mataas na presyo ng abono, illegal smuggling ng imported na produktong pang-agrikultura, at ang pasanin na tinatawag na Rice Tariffication Law.
Dagdag pa riyan ang African Swine Fever, COVID-19 pandemic at mga bagyong sumira sa kabuhayan.

Bagamat hangad ko ang mas mataas pa sanang budget para sa sektor ng agrikultura, umaasa rin ako na magagamit ang P103.5-bilyong inaprubahang pondo para mabigyan ng KAGYAT AT SAPAT na suporta ang mga Pilipinong magbubukid, mangingisda at maghahayop.

Sang-ayon naman ako sa pondong inilaan para sa sektor ng pangkalusugan — partikular ang P50-bilyong alokasyon para sa bakuna, at P22.99-bilyon para sa health facilities. Hindi pa tapos ang pandemya kaya mahalagang paigtingin ang kampanya para sa isang malusog na Pilipinas sa 2022.

Nawa’y maging masagana at makabuluhan ang 2022 para sa ating lahat. At sana sa susunod pang mga taon, agrikultura naman ang una at makaranas naman ng maginhawang pamumuhay ang Sektor ng Agrikultura.



***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036