VM Honey, dedma sa mga kandidatong KSP
Advertisers
DEDMA lang si Manila Vice Mayor Honey Lacuna sa mga kandidatong KSP (kulang sa pansin) at sa mga pagbula ng bibig ng mga ito sa mga isyu na wala namang kongkretong basehan.
Batid ni Honey na naghahanap lang ng publicity ang mga ito at hindi siya kailanman magpapagamit sa mga ito.
Sinabi ni Honey na tulad ni Mayor Isko Moreno na ay iisa ang desisyon nil na huwag hayaan ang kanilang mga kalaban sa pulitika na idiskaril sila sa kanilang magagandang ginagawa.
Nakasentro sina Isko at Honey sa pagbabakuna ng mas marami hanggat maari, at sa patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyo para sa mga tinatamaan ng COVID-19 lalo na pagdating sa pagbili ng mga gamot, bagong kagamitan at paglalagay ng mga makabagong pasilidad.
Dahil dito ay walang bukang bibig si Isko kundi ipinagmamalaki ang kasipagan at kagalingan ng kanyang katuwang sa trabaho na si Honey. Si Honey ay hindi lamang vice mayor ng Manila. Siya ay Presiding Officer din ng Manila City Council na binubuo ng 38 Councilors.
Bilang isang doktor, iniatang sa kanya ni Moreno ang city government health cluster, kung saan pinangangasiwaan niya ang anim na ospital ng lungsod.
Nang dumating ang pandemya, si Honey din ang humawak sa mass vaccination program, katuwang si Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan na ubod din ng galing at sipag.
Mula pa Marso ng nakalipas na taon, personal na nagbabakuna si Honey maging sa mga senior citizens, bedridden o wheelchair-bound na tao o mga ‘physically-challenged’.
Nagbabahay-bahay si Honey sa mga di makapunta sa vaccination sites hanggang sa siya mismo ay nagka-COVID na din.
Ito ang dahilan kaya siya tinatawag ni Isko na ‘Honey Bakuna.’
Kahit nagpositibo na sa COVID-19 ay hindi pa rin tumigil si Honey sa kanyang pagho-home service ng bakuna.
Kasama pa niya ang kanyang runningmate na si Cognressman Yul Servo na umaasiste din sa kanya. Sabi ni Honey ay napaka-abala nila ng alkalde para atupagin pa ang mga pakwela ng kalaban nila na paninirang walang basehan.
Sa mga ‘Marites’ na ito, kung wala rin lang nga naman kayong maitutulong sa mga positibong kaganapan sa Maynila, manahimik na lang kayo.
Mangampanya kayo base sa kung ano ang naitulong ninyo sa kapwa ninyo nitong pandemya hindi ‘yung sisiraan ninyo ang mga naitulong nina Isko at Honey sa mga tao na gusto ninyong bilugin ang ulo. (ANDI GARCIA)