Advertisers

Advertisers

ISKO TUTOL SA ABORTION

0 658

Advertisers

“LIFE is life. Only God can take it away.”

Ito ang paninindigan ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno kaugnay ng kanyang masasabi sa usapin ng pagsasa-legal ng abortion. At mananatili ang kanyang pagkontra sa abortion hanggang sa siya ay mahalal bilang pangulo ng bansa.

Naniniwala si Moreno na habang ang lahat ng kababaihan ay may karapatan sa kung ano ang nais nilang gawin sa kanilang katawan, pero ang hindi pa naisisilang na mga sanggol ay may buhay na at wala ito sa posisyon at karapatan na ipagtanggol ang sarili nilang buhay.



Bilang isang debotong Katoliko na ang motto sa buhay ay “God, first!,’” sinabi ni Moreno na : ‘Yung choice, hindi lang ‘yun para sa kanya (woman). May buhay din sa tiyan niya.”

“Mayroong buhay sa loob ng sinapupunan. Ang buhay ay buhay. Only God can take it away. Not any human being (can take life away).”



Kapareho din ito aniya ng pagbibigay niya ng pagkakataon sa mga suspected criminals nang pantay na opurtunidad at pag-asa sa buhay sa pamamagitan ng pagpapailalim sa kanila sa batas. Ayon pa kay Moreno ito ay parehong prinsipyo na maia-apply sa mga unborn children, wanted o hindi.

“When there is life already, nobody could take it away. Kaloob ng Diyos yun. Yung bata na ‘yun, na nasa sinapupunan, walang kakayanang ipagtanggol ang sarili niya. Buhay niya ‘yun eh. Life nya ‘yun,” pagbibigay diin ng alkalde.



Idinagdag pa niya na: “It may have negative effects on the mother’s social standing but life is life. Ang bawat buhay pare-pareho ang halaga. In the same manner na ‘yung batang walang kamalay-malay sa sinapupunan ng ina, paano man siya na-conceive, puwedeng in a bad way or a good way, life is life.”

Sa usapin naman aniya ng sitwasyon kung saan ang sanggol sa sinapupunan ay bunga ng panggagahasa, sinabi ni Moreno na, “this is where the State, the Church and family must come in, to help the woman concerned face the challenges by way of support.”

Sa kaso ng Estado, sinabi ni Moreno na ang gumawa ng panggagahasa ay dapat na maaresto, usigin at ipakulong, ito ay bilang karagdagan sa iba pang uri ng suporta tulad ng counselling at paglikha ng mga programa na tutulong sa biktima sa kanyang hindi inaasahang pagbubuntis.

“Napakasaklap ‘yun at naaawa ako sa ganung sitwasyon, pero hindi ako Diyos para kumuha ng buhay ng tao. Diyos ang nagbigay ng buhay, Diyos lamang ang puwedeng kumuha nito. Every life must be saved. Takot ako kay Jesus,” pagdidiin ni Moreno. (ANDI GARCIA)