Advertisers

Advertisers

20 Sabungero na missing; Sabungan sa Maynila grinanada!

0 1,178

Advertisers

Bukod sa sampung sabungerong nawawala mula sa Laguna at Maynila, may sampung sabungero pa na nawawala mula sa Bulacan na iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, pinapaigting na ngayon ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanilang imbestigasyon sa mga nawawalang indibidwal.

Batay sa impormasyong natanggap, mahigit walong buwan nang nawawala ang sampung sabungero sa Bulacan at nanggaling din umano sila sa kaparehong cockfighting arena sa Sta. Cruz, Laguna na pinuntahan din ng ibang sabungerong nawawala.



Nabatid na unang napaulat ang apat na sabungerong nawawala sa Sta. Cruz noong January 13.

Kasunod ng isa pang insidente ng anim na sabungerong nawala sa Maynila sa kapareho ring araw.

Paliwanag ni PNP chief, sinisilip na nila ang pattern sa insidente.

“The plot thickens when ten men from Bulacan who were engaged in a cockfight are added to the list of missing individuals. Their kin said that it has been more than eight months now since their disappearance.” Saad ni Carlos.

“The CIDG is now connecting the dots. These incidents do have a lot in common. We will find out if there is a syndicate behind these cases,” ani Carlos.



Umapela naman ang PNP sa may-ari ng sabungan na makipagtulugan sa isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

Samantala, hinagisan ng granada ang isang sabungan sa Maynila ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Sta. Ana, Maynila, Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Sta. Ana Police Station 6 Lt. Bernardo Diego, hindi sumabog ang isang MK2 grenade na hinagis sa parking entrance ng Manila Arena.

Agad namang nakatawag ang mga security guard ng naturang sabungan sa pulisya kaya rumesponde ang mga tauhan ng MPD-Explosive Ordnance Division (MPD-EOD)

Ang mismong taga-MPD-EOD na rin ang nag-detonate sa nasabing granada.

Hindi rin naapektuhan ang operasyon sa loob ng sabungan.

Nangyari ang insidente pasado alas-sais ng gabi.

Masusi naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at tina-track na ang direksyon ng mga posibleng dinaanan ng mga suspek sa kanilang pagtakas.(Mark Obleada/Jocelyn Domenden)