Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 18,638 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Enero 28.
Samantala ay mayroon namang naitalang 13,106 na gumaling at 68 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.6% (231,658) ang aktibong kaso, 91.9% (3,226,032) na ang gumaling, at 1.53% (53,801) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Enero 26, 2022 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.
Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng face mask, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay. Sa oras na makaramdam ng sintomas, agad na mag-isolate at magpa-test. Tandaan ang right test at the right time. Agad din na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)