PRRD ‘di ibibigay ni Isko sa ICC kapag nahalal na pangulo
Advertisers
HINDI ibibigay ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno si President Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC) kapag nahalal na pangulo ng bansa sa darating na halalan.
Sinabi ni Moreno na wala siyang problema at papayagan niya ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon, pero ibang usapan na kung ibibigay niya si Duterte dito.
“It is the duty of the President to protect each and every Filipino citizen, both here and abroad. They (ICC) has got to prove that our own justice system is not working. A President must ensure that every Filipino is protected from harm and his rights are given,” sabi ni Moreno.
Sinabi ni Moreno, na ang bansa ay may solido, umiiral at tumatakbong justice system sa pamamagitan ng iba’t-ibang korte gaya ng Metropolitan Trial Court, Regional Trial Court, Supreme Court at Court of Appeals, at iba pa.
“If there are complaints against any Filipino as a suspected criminal, he will have his day in court as guaranteed in the Philippine Constitution. All Filipinos will be given equal opportunity under my rein and under our own existing judicial system,” giit ng alkalde.
“It (ICC) can only interfere if we do not have a valid and effective judicial system where all Filipinos can be prosecuted for cases being filed against them,” pagbibigay diin ni Moreno.
Ginawa ni Moreno ang pahayag sa isang press conference kung saan binalewala niya rin ang mga negatibong komento na ginawa ng kanyang mga karibal na sina Vice President Leni Robredo at Senator Manny Pacquiao at sinabing ang kanyang focus ay nakatuon sa pandemya at kung paano babakunahan ang mas maraming mamamayan hanggat maari.
Matatandaan na hindi kinilala ni Duterte ang hurisdiksyon ng ICC sa kanya sa umano’y human rights violations kaugnay ng kanyang kampanya kontra illegal drugs. (ANDI GARCIA)