Advertisers

Advertisers

Covid update: 8,564 bagong kaso; 10,474 gumaling; 46 nasawi

0 179

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 8,564 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Pebrero 4.

Samantala ay mayroon namang naitalang 10,474 na gumaling at 46 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.2% (151,389) ang aktibong kaso, 94.3% (3,388,399) na ang gumaling, at 1.51% (54,214) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 2, 2022 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 1.7% sa lahat ng samples na naitest at 1.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)