Advertisers

Advertisers

7,689 bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

0 387

Advertisers

NASA mahigit 136,000 ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito’y matapos na makapagtala na lamang ang Department of Health (DOH) nitong Sabado, Pebrero 5, 2022, ng 7,689 na bagong kaso ng sakit at mahigit 22,000 na pasyenteng gumaling sa karamdaman.

Batay sa case bulletin #693 na inisyu ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 3,601,471 ang total COVID-19 cases sa bansa.



Sa naturang bilang, 3.8% na lamang o 136,436 ang aktibong kaso pa o nagpapagaling pa sa karamdaman at maaari pang makahawa.

Karamihan naman sa mga aktibong kaso ay pawang mild cases lamang na nasa 124,476 habang 7,069 naman ang walang nararamdamang sintomas o asymptomatic.

Nasa 3,106 ang moderate cases; 1,468 ang severe cases at 317 ang kritikal.

Nasa 22,539 naman ang naitala ng DOH na bagong gumaling sa bansa, sanhi upang umabot na sa 3,410,821 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 94.7% ng total cases.

Ang magandang balita naman ay isa lamang pasyente ng COVID-19 na sinawimpalad na bawian ng buhay at ito ay namatay noon pang Mayo 2021 at huli lamang na naiulat sa DOH.



Sa kasalukuyan, umaabot na sa 54,214 ang total COVID-19 deaths sa Pilipinas o 1.51% ng total cases. (ANDI GARCIA)