Advertisers
HAWAK na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng mga indibidwal na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 sa 12 rehiyon sa bansa.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, magiging batayan nila ang listahan para bigyang pansin ang vaccination strategy sa mga barangay.
Ayon kay Año, karamihan sa mga may mababang vaccination rollout ay mula sa malalayong lugar.
Sinabi rin ni Año na pinulong na niya ang mga Local Government Unit (LGU) kung saan napag-usapan ang kanilang vaccination performances.
Binigyan na aniya nila ng target goals ang mga LGU para sa bilang kung ilan ang kailangan nilang mabakunahan at napag-usapan din ang dagdag na mga volunteers at bakuna. (Josephine Patricio)