Advertisers
TUMAAS ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Pebrero 10 matapos na umakyat ito sa 4,575.
Ang naturang bilang ay mas mataas ng 924, kumpara sa 3,651 lamang na bagong kaso ng naitala ng DOH noong Miyerkules, Pebrero 9.
Batay sa case bulletin #698, nabatid na dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 3,627,575 ang total COVID-19 cases sa bansa.
Sa naturang bilang, 2.6% na lamang naman o 93,307 ang aktibong kaso pa, kabilang dito ang 85,244 na mild cases, 3,316 na asymptomatic, 2,991 na moderate cases, 1,444 na severe cases at 312 na critical cases.
Mayroon din namang 7,504 pasyente na gumaling na sa sakit, sanhi upang umabot na sa 3,479,485 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 95.9% ng total cases.
Samantala, nasa 94 naman ang mga pasyenteng sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa COVID-19.
Sa ngayon, umaabot na sa 54,783 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.51% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)