Advertisers
Patay ang isa na namang empleyado ng Bureau of Customs (BoC) ang tinambangan at napatay ng hindi nakilalang mga salarin sa Sta. Ana, Maynila, Sabado ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Gil Manlapaz Jr., 47, customs IT operator, at nakatira sa 2144 Road 15, Fabie Estate, Sta. Ana.
Sa ulat ng MPD-PS6, 8:00 ng gabi nang bumisita ang biktima sa kanyang ancestral house sa P.Gil St., kanto ng Pasig Line sakay ng kanyang Toyota Fortuner na kulay gray at may plakang NBP5378.
Nakalipas ang ilang minuto, muling sumakay ang biktima sa kanyang sasakyan at habang nagmamaneho dinikitan siya ng salarin sa drivers side saka sunod-sunod na pinaputukan.
Naisigud pa ng mga kaibigan at kaanak ang biktima sa Sta.Ana Hospital ngunit idineklarang dead on arrival
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang matukoy kung sino ang salarin at posibleng motibo sa pananambang.
Maalala na may tatlong nauna na ring insidente ng pananambang sa mga tauhan ng BOC kung saan si Manlapaz ang pangalawa na sa binawian ng buhay.(Jocelyn Domenden)