Advertisers
UMAPELA ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) kay Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang listahan ng mga kandidato para sa tatlong bakanteng posisyon sa Commission on Elections (COMELEC).
Ayon sa NAMFREL, dapat hayaan ng presidente ang publiko na maglahad ng mga komento, input, at personal na impormasyon sa mga kandidato para matiyak ang transparency sa proseso at makatulong na matukoy ang mga pinakakwalipikado at karapat-dapat.
Giit ng NAMFREL na makakatulong din ang isang bukas na proseso para mapagtibay ang tiwala ng publiko sa COMELEC bilang isang institusyon.
Magugunitang nag-retired ngayong buwan sina COMELEC Chairman Sheriff Abas at mga Commissioners na sina Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr.. (Josephine Patricio)