Advertisers

Advertisers

P.3m shabu nakuha sa 3 supplier

0 248

Advertisers

ARESTADO ang tatlong suppliers ng droga kabilang ang isang babae nang makuhananang mga ito ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P.3 million sa buy-bust operation, Lunes ng gabi sa Parañaque City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Menandro Richardson, 40; Jaren Guenthoer, 23; at Ryza Gesate, 33; pawang residente ng Silverio Compound, Purok 5, Barangay San Isidro ng nasabing lungsod.
Sa report, 11:30 ng gabi nang dakpin ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU).
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 58 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P394,400.00.(Gaynor Bonilla)