Advertisers
NASAMSAM ng Bureau of Customs (BoC) ang 320 drums ng hydrochloric acid na pangunahanging kasangkapan sa paggawa ng shabu nang tinangka ipalusot sa daungan ng Mindanao Container Terminal (MCT) sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Inihayag ni MCT Collector John Simon na nakasaad sa nakuha nilang dokumento na pagmay-ari ito ng Joken Enterprises bilang consignee, subalit kahit anino man lamang ng may-ari o representante ay hindi nagpakita para ma-claim ang kontrabando.
Sinabi ni Simon na nagmula ang nabanggit na mga kemikal sa bansang India. Ito’y may estimated market value na higit P20 milyon.
Nakig-ugnayan ang BoC sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA-10) under Director Emerson Rosales para pormal na maturn-over ang kontrabando para sa posibleng pagsira nito.(Jocelyn Domenden)