Advertisers
ARESTADO ang mag-utol nang masamsaman ng P9,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa San Jose Del Monte SJDM, Bulacan nitong Martes.
Kinilala ang mga naresto na sina Rodolfo Allas,30; at Angelito Ferrer, 46, kapwa residente ng Brgy. Sto Niño.
Sa report, 3:40 ng hapon nang isagawa ang operasyon sa Brgy. Sto Niño.
Ayon sa ulat, nakuha sa mga suspek ang 3 sachets ng shabu na may timbang na 1.5 grams at may halagang P9,000. (James de Jesus)