Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
DIREKTOR na ang magaling na aktres na si Bela Padilla sa pelikulang “366” na siya rin ang scriptwriter.
Aniya, malaki ang natutunan niya sa screenwriting workshop ni Ricky Lee para mas mahasa pa ang kanyang talent sa pagsusulat.
Bilang direktor, naniniwala siyang ang lahat ay isang collaborative effort ng mga artista, crew at lahat ng bumubuo ng produksyon.
Kaya naman, napakalaki ng respeto niya sa kanyang co-stars na sina Zanjoe Marudo at JC Santos sa kanyang directorial debut.
As captain of the ship, ibinahagi rin niya na never pa siyang namura ng ibang directors na naidirehe siya.
Hindi rin daw siya iyong tipo ng direktor na nagmumura sa kanyang stars.
“Naku never ayoko ng….kahit sa ibang set, nate-tense ako kapag may ibang direktor na nagmumura. Never pa akong namura ng direktor to be fair, never pa akong nasigawan, ah hindi baka nasigawan na ako noong baguhan ako, pero ‘yung diretsong ikaw mismo ang mumurahin parang never pa nangyari sa akin ‘yun,” aniya.
“But I’ve seen it happened and ayaw na ayaw ko ‘yung nangyayari sa artista kapag nasisigawan sila o kahit hindi artista kahit crew or kapag nasigawan, nakikita mo silang mag-close as a person. Once na nag-close ka na, ‘shocks napagalitan ako o pumalpak ako hindi ka na creative, eh kasi parang nasa loob ka na ng shell mo ulit. Also at the end of the day, trabaho lang ‘to hindi tayo dapat umaabot na minumura natin ‘yung katrabaho natin. Kasi kung nasa office tayo right now hindi naman tayo puwedeng magsigawan at hindi ko puwedeng murahin ‘yung secretary ko or kung sinuman ‘yung katabi ko sa office. Hindi naman po normal, so, dapat hindi ginagawa talaga,” dagdag pa niya.
Bukod sina JC at Zanjoe, tampok din sa “366” sina Alma Moreno, Josef Elizalde at Kat Galang at may cameo role ang boyfriend niyang si Norman Bay.