Advertisers

Advertisers

Dimples kinuwestyon ng netizens ang pagkasama sa ‘Queens’ na mga kaibigang aktres

0 184

Advertisers

Ni BETH GELENA

VIRAL sa social media ang larawan ng magagandang magkakaibigan na sina Angel Locsin, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Bea Alonzo at Dimples Romana.
Nagkita-kita ang magkakaibigan sa bahay ni Angel na sila ng mister niyang si Neil Arce ang nagsilbing hosts.
February 27, naganap ang get-together ng magkakaibigan.
“The Queens,” ang tawag ng mga netizens sa beautiful actresses from Kapamilya Network.
Ang caption ni Angel sa ibinahaging larawan, “About last night. Cue ‘Do-Re-Mi’ soundtrack.”
Ayon kay Angel, two years in the making daw bago nangyari ang kanilang reunion.
Iisa ang nasabi nila sa isa’t isa.. “miss you all.”
Kasama ni Angge ang non-showbiz boyfriend-businessman na si Gregg Homan na personal na ring na-meet ng mga kaibigan.
Of coure, karay-karay din ni Bea si.Dominic Roque na naging officially on last year of August nang magkasamang nagliwaliw sa Tate ang celebrity couple.
Maging ang mister ni Anne na si Erwan Heussaff, wala man sa picture ay dumaan din daw kasama ang anak nilang si Baby Dahlia para ma-meet ang mga magagandang Titas.
Ang mister ni Dimples na si Boyet ay wala rin sa frame dahil nasa ibang bansa ito.
Mukhang magdamagang nagtsikahan ang mga A-list actress.
Ang last fotog na magkakasama ang magkakaibigan ay nu ng 2019 sa ABS-CBN Ball.
Marami tuloy mga netizen na dapat magsama-sama sa.isang project ang A-list actresses.
Kaya lang sa mga komentong nabasa namin, marami ang nagtatanong, bakit kasama si Dimples, eh hindi naman daw A-list ang actress.
May nagtanggol naman kay Dimples, na yumaman daw siya on her own at isang mahusay na aktres kahit supporting lang.
Sey naman ng iba, ang ka-batchmates daw kasi ni Dimples ay sina Nikki Valdez, Jodi Sta. Maria at Kaye Abad dahil sila raw ang mga nagkasama noon sa isang youth-oriented show.
“Maraming kaibigan si Dimples sa showbiz. And once na naging frieñd mo siya talagang pinakikita niya at pinararamdam niya sa yo she’s truly a friend. Hindi ka niyan iiwan sa ere, pramis,” pagtatanggol ng isang netizen.
“ Tini-treasure ni Dimples ang friendship once na naging kaibigan mo siya.”
Anyway, sana nga magkaroon ng project ang limang A-lister actressesnkahit nasa kabilang network na ang isa nilang friend na si Bea.
***
PAPA P HINDI NAGKAMALI SA DESISYONG MAGING CELEBRITY
YEAR 1998 nang maisipan ni Piolo Pascual na permanentè nang manirahan dito sa Pinas at i-pursue ang kanyang dream na maging isàng actor.
Sa Tate kasi naninirahan noon ang Papa P ngayon ng showbiz.
Kwento ni Papa P sa isang panayam “I was only 21 then. I didn’t know what to expect. I said this might be my one and only shot at it, so I flew to Manila to take my chances. Looking back, I can safely say the risk I took was all worth it.”
Naging tagumpay ang aktor sa landas na kanyang napili — sikat na aktor, maraming commercials at nakapagtayo ng business kasama na rito ang pagiging peoducer niya.
Sambit pa ng aktor, nang magkaroon ng COVID-19 pandemic saka lang niya naramdaman na sobra rin daw na naapektuhan ang entertainment industry.
“It became hard to move around and get to places you’re supposed to go to. You’re stuck at home and are worried about the health of your family.”
Maging ang kanyang mental at physically .health ay naapektuhan dahil sa pandemya.
“I’m very fair to myself. I don’t like the feeling of deprivation. I believe in balance. I had just come from a two-week taping bubble for a show. As soon as I came out, I rewarded myself with a bag of chicharon. Once in a while, you have to indulge.”
At bilang isang triathlete. “As long as you are able to clock in workout hours, it’s a nice feeling to reward yourself especially during the pandemic when you don’t have to live a certain way.”
Isang matagumpay na producer si Papa P.
Kino-consider.ng aktor na very lucky ang kanyang pamilya dahil hindi sila nadapuan ng COVID-19.
“God has been so good to us. Resilience—it’s important nowadays to have this quality because we often get affected by what’s happening around us, mentally and physically. It’s important to learn as much as we can about the health crisis. I was there for my mom. I made sure she feels safe and doesn’t feel alone, especially during the series of lockdowns we had.”
Hiningan din ng advice si Papa P. on overcoming uncertainties. “Be practical. Be like me; I started saving up early. When you’re young and you start earning your own money, of course, you get excited. You start thinking of things you want to get for yourself. But, first, you need to think of your future. Yes, celebrate the moment but keep a portion of your income, which you can enjoy later on. You’ll see, it will all be worth it. Twenty years down the line, you and your family will be reaping all the rewards,” mahabang sabi nito.
Sa ngayon ay may bago siyang show na ipapalabas sa lahat ng platforms ng ABS-CBN, ang My Papa P.