Advertisers

Advertisers

Ospital para sa may sakit sa puso, ipapatayo ni Isko

0 376

Advertisers

MALIBAN sa cancer hospital ay plano din ni Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno na magpatayo ng ospital para sa mga may sakit sa puso, kapag nanalo siya bilang pangulo sa darating na eleksyon sa Mayo.

Ito ay dahil na rin sa napansin ni Moreno na ang kasalukuyang centers para sa mga may sakit sa cancer at puso ay laging punong-puno ng pasyente.

Ayon kay Moreno, kaya nangyayari ito ay dahil na rin sa lubhang napakamahal magpagamot sa mga pribadong ospital at mahirap namang makakuha ng libreng gamutan.



Sa kaso ng Maynila, sinabi ni Moreno na ang “Bagong Ospital ng Maynila” na inaasahang magbukas sa susunod na mga buwan at nagkakaloob ng wide-range of free health services sa mga residente ng lungsod city lalo na sa mga taga ika-5 distrito. Ang Maynila ay mayroong isang ospital kada distrito na nagbibigay ng libreng serbisyo.

Ginarantyahan ng alkalde na ang fully-airconditioned hospital na mayroong state-of-the art facilities at equipment ay kaparehas na rin ng mga mamamahaling private hospitals.

Tulad din ng li Bagong Ospital ng Maynila, sinisigurado ni Moreno na ang kanyang planong pagpapatayo ng cancer at heart hospitals ay maisasakatuparan lalo’t may pagkukunang pondo ang gobyerno na malaking de hamak kung ikukumpara sa pondo ng local government units’.

“Kung nagawa namin ito sa Maynila, magagawa ito sa buong bansa. Gusto ko lang na mabigyan ng maganda-gandang laban sa buhay ang mga kababayan nating may sakit sa puso at kanser na walang sapat na perang pampagamot,” sabi ni Moreno.

Idinagdag pa rin ng alkalde na sa Maynila ang mga mamahalin at life-saving na gamot laban sa COVID-19 ay pinamimigay ng libre sa mga nangangailanga nito maging sila man ay taga-Maynila o hindi, hanggat may supply.



Para kay Moreno ang pinakamabuting “return of investment” kapag naipadama mo bilang gobyerno na nakapagpasaya ka ng tao dahil nabigyan mo siya ng panibagong buhay. (ANDI GARCIA)