Advertisers

Advertisers

Doktor tiklo sa droga

0 192

Advertisers

TORIL, Davao – Himas-rehas ngayon ang isang doktor nang mahuli sa ginawang illegal drugs operation sa Davao noong Linggo.

Kinilala ang nadakip na si Dr. Juan Arindaying Yuhico Jr., 61 anyos, taga Iloilo City at naninirahan sa  Green Hills Subdivision, Catalunan Pequeno, Davao City.

Sa report ng Task Force Davao (TFD) sa Sirawan Toril, nakorner nila ang suspek sa isinagawang checkpoint at nakuha mula kay Yuhico isang pakete ng shabu na nasa 0.95 gramo ang timbang.



Narekober rin sa suspek ang 5 Improvised glass tube tooter, coin pursed, at sasakyan na ginamit nito.

Kasalukuyan nakakulong sa lock-up cell ng Toril Police station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.