Advertisers

Advertisers

‘IBOTO, PANGULONG MAY MALASAKIT SA MAHIHIRAP, MAY SAKIT’ — BONG GO

0 314

Advertisers

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang maraming programa at patakaran ng administrasyong Duterte na nagdulot ng makabuluhang pagpapabuti sa sistema ng pangangalaga sa kalusugan ng bansa.

Partikular na pinuri ng senador ang mga pagsusumikap ng gobyerno sa pandemya at paglulunsad ng pagbabakuna habang patuloy na nakikita ng bansa ang patuloy na pagbaba ng bilang ng COVID-19.

“Bilang Chair ng Senate Committee on Health, masaya ang inyong lingkod sa patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 at patuloy namang tumataas ang bilang ng mga bakunado na,” ani Go.



“Sa pagtutok ng pamahalaan sa panahon ng vaccine rollout ay mas maraming kababayan natin ang nababakunahan, nasusunod ang mga ipinatutupad na health protocols, bumababa ang COVID-19 cases at hanggang sa nabuksan ang ating ekonomiya,” dagdag niya.

Sa kabila ng pagpapabuti ng sitwasyon ng pandemya sa bansa, tiniyak ni Go na patuloy niyang isusulong ang mga patakaran at hakbang upang mapahusay ang access ng mga Pilipino sa dekalidad na pangangalagang pangkalusugan.

Kabilang dito ang patuloy na pagpapalawak ng Malasakit Centers sa buong bansa.

“Marami tayong natutunan sa bawat pagsubok na ating hinarap sa mga nakaraang taon kung kaya ginagawa ng gobyerno ang lahat upang maging mas handa at matatag ang mga potensyal na meron tayo at maging mas handa pa sa anumang krisis na maaaring dumating,” ani Go.

Mayroon na ngayong 151 Malasakit Centers sa buong bansa kasunod ng paglulunsad ng mga bagong center sa Batanes General Hospital sa bayan ng Basco noong Marso 1 at sa Quirino Provincial Medical Center sa bayan ng Cabarroguis nang sumunod na araw.



Ikinalungkot ng senador na maraming Pilipino sa kanayunan ang dumaranas pa rin ng mahinang access sa mahahalagang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan dahil sa kakulangan ng mga ospital, health personnel, at kagamitang medikal.

Sinabi ni Go na ito ang nag-udyok sa kanya na isulong ang pagtatayo ng mga bagong ospital at pagpapabuti ng mga dati nang ospital.

Nanawagan si Go para sa pagtatayo ng mga super health Center sa buong bansa upang mapabuti ang access ng mga Pilipino sa mga serbisyong pangkalusugan ng gobyerno, partikular sa mga rural na lugar.

“May pandemya man o wala, mahalaga para sa akin at sa mga Pilipino na maisakatuparan ang pagtatayo ng Super Health Centers dahil kailangan pa natin ng serbisyong medikal. Batay sa 2022 Health Facilities Enhancement Program, mayroon tayong budget na P3.587 bilyon para sa pagpapatayo ng 305 Super Health Centers,” ayon sa mambabatas.

Sa nakatakdang paghahalal ng bansa sa mga bagong pinuno nito, muling hinimok ni Go ang mga Pilipino na iboto ang mga kandidatong bubuo sa mga natamo ng administrasyong Duterte at tiyakin ang pagpapatuloy ng mga programa at patakaran nito.

Umapela siya sa mga kapwa Pilipino na tiyaking ang mailuluklok na bagong lider ay maipagpapatuloy ang kanyang magagandang nagawa—para masiguro natin ang mas ligtas at mas komportableng buhay para sa mga mahihirap, lalo sa mga may sakit.