Advertisers

Advertisers

PA-RAFFLE NG KANDIDATO BAWAL!

0 224

Advertisers

NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) sa mga national at local candidate sa pagsasagawa ng mga raffle sa gitna ng kampanya.

Ayon kay Comelec Spokesman, Director James Jimenez, ipinagbabawal ang mga raffle kapag nagsimula na ang mismong campaign season dahil maaaring makasuhan ang mga kandidato.

Matatandaang Pebrero 8 nang umarangkada ang kampanya para sa national candidates habang sa Marso 25 lalarga ang para sa mga local candidate.



Pahayag ni Jimenez, maaaring humantong sa vote buying kung magsasagawa ng raffle kaya’t mas makabubuting huwag na lamang ituloy ang mga ganitong aktibidad.