Advertisers

Advertisers

Pedicab driver huli sa pagtapon ng bangkay ng babae sa Las Piñas

0 483

Advertisers

ARESTADO ang isang pedicab driver sa pagtapon ng bangkay ng isang babae sa gilid ng kalsada sa Las Piñas City.

Sa kuha ng CCTV, nakilala ng mga imbestigador ang driver ng pedicab na si Mark Anthony Rajel na dinakip sa kaniyang bahay ilang oras nang makita ang bangkay ng babae na naka-sako.

Sa ulat, nangyari ang insidente pasado ala una ng madaling araw nitong Sabado. Mapapanood sa CCTV ang pagdaan ng isang pedicab sa Barangay Manuyo Dos sa naturang lungsod.



Sa isa pang kuha ng CCTV, makikitang may hinulog na sako ang pedicab sa gilid ng kalsada.

At 7:00 ng umaga nang madiskubre ng mga awtoridad na babaeng tinatayang lampas 30 anyos ang edad ang laman ng sako.

Nagsasagawa pa ng manhunt operation sa isa pang salarin na live-in partner umano ng biktima na kinilala ng pulisya na si Albert Mendoza.