Advertisers

Advertisers

Ex-pulis tiklo sa kotong

0 150

Advertisers

ARESTADO ang isang dating pulis sa pagtatanggap nito ng “recruitment fee” mula sa mga aplikante ng PNP sa Davao Region.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad laban sa dating PO2 na si Jenlee Corpuz dahil sa mga nagreklamong biktima, mga aplikante sa PNP.

Nasa P75,000 umano ang kinokolekta ni Corpuz sa kada aplikante sa kondisyon na makakapasok sila sa PNP quota na hindi na dumadaan pa sa tamang proseso.



Natanggal sa serbisyo si Corpuz noong 2018 dahil sa kasong ‘grave misconduct at misappropriation’.

Nagbabala ang Davao Police Regional Office sa mga aplikante na huwag magpapadala sa mga modus katulad ng ginagawa ni Corpuz dahil kailangan nila sumailalim sa mga rekisitos.