Advertisers

Advertisers

PULIS, 3 ‘HIRED KILLERS’ BULAGTA SA BARILAN SA SABUNGAN!

0 328

Advertisers

Calatagan, Batangas – Isang pulis at tatlong “hired killers” ang nasawi sa barilan sa labas ng sabungan dito Sabado ng gabi.

Nakilala ang mga napatay na “hired killers” na sina Joel Herjas, Rolly Herjas at Gabriel Bahia, mga nasa hustong gulang; habang ang nasawing pulis ay si Patrolman Gregorio Panganiban Jr., na hindi na umabot ng buhay sa Metro Balayan Medical Center.

Sugatan naman at nagpapagaling sa Calatagan Medicare Hospital sina Joselito Carlum at Mayumi Ja-vier na kapwa nadamay sa barilan.



Base sa ulat ng pulisya, namataan ang tatlong armadong lalaki na paikot- ikot sa loob ng naturang cockpit arena. Target umano ng mga ito ang municipal councilor na si Michael Comaya, ang administrator sa nabanggit na sabungan.

Nagsasagawa pa ng technical investigation ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) at ang mga imbestigador ng Batangas Provincial Police Office. Inaalam kung may kinalaman din ang krimen sa insidente ng mga nawawalang sabungero. (Koi Laura)