Advertisers

Advertisers

Bayan Muna coordinator at transport leader binaril sa tapat ng bahay

0 407

Advertisers

BINARIL ang isang transport leader sa tapat ng kanyang bahay sa General Santos City nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Larry Villegas, 64 anyos, chairperson ng progresibong transport group na TIRES-PISTO at coordinator ng Bayan Muna sa General Santos City.

Sa inisyal na imbestigasyon, naglilinis si Villegas sa tapat ng kanyang tirahan sa Barangay Buayan 6:55 ng umaga nang dumating ang lalaking sakay ng motorsiklong walang plaka at binaril ang biktima nang dalawang beses at agad tumakas.



Tinamaan si Villegas sa kanang hita. Nasa mabuti na itong kondisyon nang agad ma-dala sa ospital.

Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.