Advertisers
Inaanyayahan ni Mayoral aspirant Atty. Alex Lopez at Vice Mayoral bet Raymond Bagatsing ang mga Manileño na samantalahin ang pagbababakuna kontra COVID-19, Miyerkoles ng umaga, Marso 16 sa Don Bosco Church, Tondo, Manila.
Naglalayon ang programang ito na mabakunahan ang A1 to A5 categories gaya na lamang ng frontliners, indigent families, senior citizens, tricycle at jeepney drivers at iba pa naninirahan sa lungsod ng Maynila.
Naniniwala sina Alex Lopez at Raymond Bagatsing na pinakamabisang solusyon ang pagbabakuna upang hindi mahawa sa naturang nakamamatay na sakit.
Sa pamamagitan nito, malalabananan natin ang krisis na ikinakaharap ng ating lungsod bunsod ng pandemya at muli tayong babalik sa normal na pamumuhay.