Advertisers

Advertisers

Gobyerno posibleng hindi na magdaos ng COVID-19 ‘Bakunahan’ drive – DOH

0 221

Advertisers

MAAARING hindi na magdaos ng COVID-19 National Vaccination Days (NVDs) ang pamahalaan sa mga susunod na araw, at sa halip ay tututukan na lang ang mga lugar na mayroon pa ring mababang vaccination coverage.

Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) at Department of Health (DOH) Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Myrna Cabotaje, sa idinaos na Laging handa public briefing nitong Martes.

Ayon kay Cabotaje, “Baka hindi na tayo magkaroon ng National Vaccination Day. Mas focus na sa mga probinsya na kailangan ng tulong, doon ibubuhos, hindi na parang general na lahat na.”



Sa ngayon naman aniya ay may ilang lugar na rin ang nakaabot na sa 70% na vaccination coverage para sa general population at senior citizens.

Dahil dito, pinag-aaralan na lang nilang tutukan ang mga lugar na kakaunti pa lamang ang mga mamamayang nababakuhanan.

“So ang tututukan na lang natin, ‘yung mga iba’t ibang lugar, lalong lalo na ‘yung mga siyudad na hindi nakakamit ng kanilang parameters na fully vaccinate at least 70 to 80% ‘yung kanilang A2 (senior citizens),” aniya pa.

Matatandaang apat na ulit nang nagdaos ng nationwide vaccination drive ang pamahalaan, na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan,” sa layuning mas maraming mamamayan ang maprotektahan laban sa COVID-19.

Ang ikaapat na bugso nito ay idinaos mula Marso 10, Huwebes, hanggang 12, Sabado, ngunit bigo ang pamahalaan na maabot ang kanilang target na 1.8 vaccine recipients.



Dahil dito, pinalawig pa ang naturang Bakunahan 4 hanggang nitong Marso 15, Martes, para sa general population habang ini-extend ang bakunahan para sa mga senior citizen hanggang sa Marso 18, Biyernes. (Andi Garcia)