Advertisers

Advertisers

P10B ‘tsaa-bu’ nasabat sa Quezon

0 285

Advertisers

Naharang ng mga awtoridad ang tatlong van na naglalaman ng higit sa isang toneladang shabu at aabot sa halagang P10-bilyong halaga sa Infanta, Quezon.

Naglatag ng checkpoint ang mga tauhan ng Infanta-PNP at National Bureau of Investigation (NBI) Martes ng madaling araw sa Barangay Comom, ng naturang bayan.

Dito, naharang ang tatlong van at bumulaga sa kanilang harapan ang mga droga na nakalagay sa packaging ng tsaa at nakasilid sa sako at narekober rin nila ang isang satellite phone.



Dinakip naman ang sampung katao na silang mga dala ng droga pero depensa ng mga ito na hindi nila alam na shabu ang kanilang mga karga.

Ayon sa NBI nakatanggap sila ng report hinggil sa iba biyaheng droga mula sa isang yate.

Dagdag pa ng awtoridad na international drug group ang sangkot dito at plano sanang palutangin ang mga droga sa dagat na siya namang pipick-upin ng mga mangingisda gamit ang satellite phone.

Inilipat ito sa isang malaking bangka at dinala sa mga van na nakaparada sa isang pribadong resort.

Patuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ang mga awtoridad para alamin ang mga kasabwat ng mga suspek at posibleng malaking sindikato ang kinaaaniban ng mga ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">