Advertisers
Aabot sa halos P7 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang babaeng pinadalhan ng mga pigurin na may palamang shabu, sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi.
Dinakip sa kanyang bahay 7:00 ng gabi si Charlene Nworisa, ng Villa Crystal Phase 1, Bagumbong Dulo, Caloocan City.
Sa ulat, Marso 12 nang dumating ang controlled delivery package sa Port of Clark na nagmula sa Kuala Lumpur, Malaysia na may lamang mga pigurin.
Isinailalim ang bagahe sa x-ray at field testing at natuklasan ang 31 translucent plastic pouches na naglalaman ng shabu na isang kilo ang timbang at may halagang P6.9 milyon na isinilid sa butas ng mga pigurin.
Isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagpanggap na delivery boy at hinatid nito ang package sa tahanan ni Nworisa kung saan ito naka-address at nang kunin nito ang package inaresto na siya.