Advertisers

Advertisers

Tulak brutal na kinatay sa sementeryo

0 198

Advertisers

Brutal ang pagpatay sa isang lalaki na nagbebenta ng iligal na droga sa Brgy. Granada, Bacolod.

Kinilala ang biktima na si Darwin Nuñez, 22, kung saan nakita ang katawan nito sa loob ng sementeryo.

Ayon kay PCapt. John Christopher Masangkay, ginilitan ang leeg at lumalabas na ang bituka ng biktima dahil sa saksak sa tiyan nito.



Base sa salaysay ng kapitbahay ni Nuñez, nagtungo umano sila sa sementeryo nitong Martes ng gabi para magbenta ng marijuana.

Nang maibigay na ang droga, pinaiwan ng isa sa dalawang salarin si Nuñez dahil nawawala raw ang wallet nito.

Doon na narinig na sumisigaw si Nuñez kaya kaagad na tumakas ang kapitbahay nito.

Posible umanong iba ang target ng mga salarin at napagkamalan lang si Nuñez kaya ito ang pinatay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">