Advertisers

Advertisers

DTI wala munang aaprubahang taas-presyo sa bilihin

0 331

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala muna silang aaprubahang taas-presyo sa mga pangunahing bilihin sakop ng suggested retail price (SRP).

Tiniyak ito ng DTI sa harap ng hirit na dagdag-presyo ng mga manufacturer ng sardinas, gatas at karneng de-lata.

Kung mayroon man umanong humingi ng lagpas 10 porsiyentong increase at papayagan sa mga susunod na buwan, hindi ito isang bagsak ipatutupad kundi uutay-utayin.



Nangako rin ang mga panadero na hindi gagalawin ang presyo ng Pinoy tasty at Pinoy pandesal sa susunod na 2 buwan.

Pero kamakailan tumaas na ang presyo ng ilang produktong hindi sakop ng SRP.

Samantala, pagkatapos ng 3 araw ng trading sa world market, nagtuloy-tuloy ang pagbagsak ng presyo ng imported na diesel na umabot sa P12.94 kada litro, P6.50 naman sa gasolina, at P9.85 sa kerosene.

Nangangahulugan umanong tila sigurado na ang big-time rollback sa petrolyo sa susunod na linggo.

Noong Miyerkules, nagpatupad din ang Cleanfuel sa ilang gasolinahan ng rollback sa presyo ng diesel. Tatagal ito hanggang Biyernes.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">