Advertisers

Advertisers

Pastor kulong sa P14M shabu

0 359

Advertisers

Arestado ang isang pastor na tinagurian high value target sa isinagawang buy bust operation sa Cebu city nitong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Mark Secretaria Duaban, 42, residente Sitio Riverside, Barangay Duljo-Fatima, Cebu City.

Ayon kay Regional Police Drug Enforcement Unit-Central Visayas (RPDEU-7) chief Ronnie Failoga, naaresto ang suspek sa buy bust operation sa nasabing lugar.



Nakuha mula sa suspek ang shabu na may bigat na 2.075 kilos at nagkakahalaga ng P14.1-milyon.

Kilala si Duaban sa kanilang Sityo bilang “pastor” ng isang religious congregation at tinatawag nila itong “Maayong Balita” .

Sinabi pa ng pulisya na nakulong si Duaban taon 2016 pero hindi malinaw kung droga ang kinasasangkutan nito.

Sa report, pinsan rin si Duaban ni Rowen “Yawa” Secretaria, na kilalang drug personality sa Cebu at nasa 3rd most wanted list na napatay sa engkwentro sa anti-drug operation sa Banacon Island Getafe, Bohol noong May 2016.

Inamin rin ng suspek na naging subordinate siya ni Cresistomo “Tata Negro” Llaguno, na isang drug personality na napatay habang nangangampanya bilang independent candidate councilor sa lungsod noong 2010.



Nahaharap ngayon sa kasong paglabag Republic Act 9165, the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Dauban.