Advertisers

Advertisers

Hepe ng Public Safety Office patay sa ambush

0 438

Advertisers

Binawian ng buhay ang City Public Officer at malubhang nasugatan ang kanyang driver sa nangyaring pamamaril sa siyudad ng Cotabato, Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si dating Cotabato City police director at retired Colonel Rolen Balquin na kasalukuyang hepe ng City Public Safety Office habang malubhang nasugatan ang kanyang driver na si Police Chief Master Sergeant (PCMS) Arial Gutang.

Ayon kay Cotabato City police director Colonel Rommel Javier, paparada lamang ang kotse na sinakyan ng mga biktima sa harap ng isang milktea house sa Sinsuat Avenue corner Macapagal St., Mother Barangay Rosary Heights para dumalo sa isang okasyon nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin gamit ang kalibre .45 na pistola.



Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng hindi pa matukoy na sasakyan.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima nguni’t dineklarang dead on arrival si Balquin nang magtamo ng tama sa ulo at dibdib habang nasa maselang kondisyon si Gutang.

Mariin namang kinondena ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani Sayadi ang pagpatay kay Balquin.

Tiniyak din nito na mananagot sa batas ang mga salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">