Advertisers

Advertisers

NCAA Season 97 gugulong na sa Marso 26

0 318

Advertisers

GUGULONG na ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 97 seniors basketball tournament sa Marso 26 sa La Salle Green Hills, na ang opening ceremonies ay nakatakda 2: 30 ng hapon.

Unang mapapanoud sa unang sultada ng tinaguriang “ Stronger Together,Buo ang Puso” ay ang bakbakan sa pagitan ng host De La Salle-College of Saint Benilde (CSB) blazers at defending champion Colegio de San Juan de Letran Knights 3:30 ng hapon.

Susundan ng San Beda Red Lions kontra Lyceum of the Philippines University Pirates 7:05 ng gabi.



Ang laro ay gaganapin tuwing Martes,Miyerkules, Biyernes, Sabado at Linggo, na may dalawang games bawat araw.

Dahil sa pandemic, ang tournament ay gagawin sa bubble at tinapyasan mula sa dating double round elimination sa single round ngayon season.

Ang laro ay gagawin lang sa La Salle Green Hills sa Mandaluyong, pero sinabi ni Management Committee chairman Manuel “Dax” Castellano ng CSB na ang liga ay magsasagawa ng laro sa FilOil Flying V Arena,Araneta Colesium at Mall of Asia Arena at tatanggap ng fans kapag tuluyan ng bumaba ang Covid-19 pandemic.

Ang top two teams matapos ang elimination round ay may karapatan na makapasok sa semifinals, habang ang third to six rank teams ay maglalaro sa play-in para matukoy ang huling dalawang semifinalist.

Ang third-ranked team ay makakalaban ang fourth-ranked squad, at ang papalarin sa laban ay mabiyayaan ng third semifinal slot.Ang talunan sa laban ay makakaharap ang mananalo sa pagitan ng fifth at sixth ranked teams para matukoy kung anong grupo ang uupo sa fourth at final semis berth.



“We opted for a single round format for these are very challenging times and due to budget constraints,” Wika ni Castellano sa NCAA kickoff press conference sa GMA Network Studio 6 sa Quezon City.

“We give chances for the 5th and 6th seeded teams to make it more exciting,” Dagdag ni Castellano.

Letran, at San Beda ang tinuturing na paborito.