Advertisers
PERSONAL na tinungo at pinagkalooban ng asiste ni Senator Christopher “Bong” Go nitong March 9 ang nga residenteng nasunugan ng mga bahay sa lungsod ng Maynila.
Sa pagdalaw ni Go ay kaniyang inihayag ang pagpapatuloy niyang makatulong para makabangon ang mamamayan sa panahon ng mga krisis tulad na lamang ng pandemic. Isiniguro nito na nananatiling top priority ng Duterte Administration ang kapakanan ng mga mahihirap at vulnerable sectors.
“Basta sa amin ni Pangulong (Rodrigo) Duterte, magtrabaho lang kayo, magnegosyo lang kayo nang maayos. Huwag lang droga, huwag lang kriminalidad. Hindi namin kayo pababayaan dahil naiintindihan po namin ang inyong hirap,” pahayag ni Go.
“Alam niyo, mahal na mahal namin kayong lahat. Ma-Kristiyano, ma-Muslim, pare-parehas po tayong mga Pilipino,” dagdag pa nito.
Ang mga.naninirahan sa Baseco ay Muslim immigrants ang karamihan na inihayag ni Go ang, “Alam n’yo mga kapatid naming Muslim, mahal na mahal namin kayo ni Pangulong Duterte alam n’yo ‘yon. Ilang beses na akong nakabalik dito sa Baseco. Ako po’y taga-Mindanao, tulad ninyo mga Maguindanao, Maranao, nanggaling rin po kayo Mindanao, kapitbahay lang po tayo.”
“Alam n’yo sa Davao pantay-pantay po ang tingin namin sa inyo. Ako po ang inuutusan ni Mayor Rody Duterte noon, ‘pag mayroon po siyang ipinapadala sa Mecca – iyon pong magha-Hajj. Alam n’yo pinipili namin ‘yung pinakamalayong mosque, pinipili namin ‘yung pinakamahirap. Kasi itong isang pagkakataon mo lang sa buhay mo na makapunta ka doon at makapag-pilgrimage ka. Ganoon namin (kayo) kamahal – pinipili namin ‘yung talagang deserving at ‘yung pinakamahirap,” paghahayag ni Go.
Inilunsad ni Go at ng kaniyang mga tauhan ang relief operation sa Baseco Compound Port Area na namigay ang mga ito ng grocery packs, masks, vitamins at meals sa 225 fire-hit families.
Namigay rin si Go ng new pairs of shoes, bicycles at computer tablets sa ilang piling individuals at ang mga may kapansanan ay binigyan naman ng wheelchairs, crutches, at walking canes.
“Sa mga nasunugan naman po, huwag kayong mag-alala. Importante po ay buhay tayo. Importante po na magtulungan tayo. Ang gamit po ay nabibili. Ang pera po ay kikitain natin, magsipag lang ho tayo. Ngunit, ang perang kikitain natin ay hindi nabibili ang buhay. A lost life is a lost life forever,” saad ni Go.
Bahagi ng government’s response, ang koponan mula sa Department of Social Welfare and Development ay namigay rin ng hiwalay na financial assistance sa mga naapektuhang pami-pamilya at ang
Department of Health ay namahagi naman ng vitamins at assorted medicines.
Ang Department of Agriculture, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at ang Philippine Fisheries Development Authority ay nagtuwang sa pamamahagi ng mga sariwang gulay, isda at mga delatang sardinas sa mga fire victim.
Ang National Housing Authority naman ay nagsagawa ng assessment sa pangangailangan pa ng mga nasunugan tulad ng necessary housing assistance at ang Department of Trade and Industry ay inalam ang mga potential beneficiaries para sa livelihood program.
“Basta magtulung-tulong ang gobyerno, magtulungan lang ho tayo, malalagpasan po natin ang ito bilang nagkakaisang mamamayang Pilipino,” pagtitiyak ni Go.
“Pinaparating din ng Pangulo ang kumusta niya sa inyo at mahal na mahal niya kayo. At sinabi niya na kami po rito ay handa pong magserbisyo po sa inyong lahat sa abot ng aming makakaya,” dagdag pa niya.
Bilang Chair of the Senate Committee on Health ay hinimok ni Go ang mga eligible beneficiaries na huwag sayangin ang oportunidad na makapagpabakuna at booster shot bilang proteksiyon laban sa COVID-19.
“Please lang po, nakikiusap po kami ni Pangulong Duterte sa inyo na magpabakuna na po kayo. Ang bakuna po ang tanging susi o solusyon. Kung hindi pa po kayo bakunado, kami na ang magdadala sa inyo,” apela ni Go.
“(Mahigit) 233 milyong bakuna na ang dumating. Libre po ito mula sa gobyerno, inyo po ito. Kaya magpabakuna na po kayo. Huwag lang po kayong matakot sa bakuna, para naman makabalik na tayo sa normal nating pamumuhay,” dagdag nito.
Inalok pa ni Go ng additional aid ang mga residenteng nangangailangan ng medical care na pinayuhan nitong makabahagi ng medical assistance mula sa 31 Malasakit Centers ng Metro Manila, na ang 5 sa mga ito ay nasa lungsod.ng.Maynila.
Ang Malasakit Center na isang one-stop shop ang siyang kinaroroonan ng DSWD, DOH, Philippine Charity Sweepstakes Office, at Philippine Health Insurance Corporation. Sa kasalukuyan ay.may 151operational centers na nakapag-asiste na ng mahigit three million poor and indigent Filipino patients nationwide. Si Go ang principal author at sponsor ng Malasakit Centers Act of 2019.
Ang Malasakit Centers sa naturang lungsod ay nasa Philippine General Hospital, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Jose R. Reyes Memorial Medical Hospital, San Lazaro Hospital, at sa Tondo Medical Hospital.
“Para po yan sa poor and indigent patients, para po yan sa mahihirap, para po yan sa Pilipino at wala pong pinipiling pasyente yan. Lapitan niyo lang po ang Malasakit Center,” saad ni Go.
Nag-alok din si Go ng asiste sa mga nagnanais na bumalik sa probinsiya at makapagsimula ng panibagong buhay na maaaring mag-aplay ang mga ito sa programang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) para makatanggap ng assistance package sa bawat beneficiary household gayundin.ng livelihood and/or housing support.
Samantala, pinapurihan naman ni Go ang local officials sa pagtulong ng mga ito sa mga naapektuhang residente.
“Huwag niyo po kaming pasalamatan. Kami po ang magpapasalamat sa inyo dahil binigyan niyo ho kami ng pagkakataon na makapagserbisyo sa inyo. Maraming salamat po sa inyong lahat,” pahayag ni Go.
“Ako po’y nangako sa inyo na kahit saang sulok kayo ng Pilipinas, basta nasunugan kayo, nabagyo, lindol, pumutok ang bulkan, pupuntahan ko talaga ‘yan. Basta kaya lang po ng aking katawan at panahon ay pupuntahan ko po kayo, ‘yan po ang ipinangako ko sa inyo mga kababayan ko,” pagtatapos nito.
Para sa improvement ng public service delivery ay sinuportahan ni Go ang pagpondo sa ilang mga proyekto ng lungsod tulad ng road improvements, pagbili ng ambulansiya, multipurpose vehicle, medical supplies and equipment, at educational supplies.
Pangunahing may-akda at co-sponsored si Go ng Republic Act No. 11589 o ang Bureau of Fire Protection Modernization Act na magkakaloob ng ten-year modernization program ng BFP. Kabilang dito ang acquisition ng modern fire equipment, expansion ng BFP’s manpower, at provision of specialized training.