Advertisers
SA gitna ng mga hamon at pagsubok na dulot ng COVID-19 pandemic ay hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go ang gobyerno na garantiyahan ang patas na pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang salat sa kabuhayan na epekto ng mga krisis.
Nitong March 10 ay pinapurihan ni Go ang mga inisyatibo ng gobyerno tulad ng Department of Social Welfare and Development’s Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program na naglalayong mabigyan ng karagdagang tulong ang mga pami-pamilya.
“Iyung mga mahihirap, sila po ang pinaka-apektado ng sitwasyon ngayon. Kaya dapat unahin natin silang pagsilbihan para mabigyan sila ng pagkakataong makabangon muli at maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay,” pahayag ni Go sa kaniyang video message.
“Sa mga pinaka-nangangailangan, kayo ang uunahin namin palagi ni Pangulong (Rodrigo) Duterte. Gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya para tulungan kayo malampasan ang krisis na ito,” pangako pa ni Go.
Ang koponan ni Go ay namahagi ng meals at masks sa may 1,000 members ng youth sector sa Barangay Bagumbuhay Covered Court. Namigay din sa ilang piling individual ng bagong pares ng sapatos, bisekleta at computer tablets na magagamit ng.mga nagsisipag-aral.
“Asahan po ninyo na kapakanan at interes po ng bawat Pilipino ang uunahin namin ni Pangulong Duterte… Hindi kami titigil sa pagtatrabaho para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kabataan at susunod na henerasyon habang unti-unting bumabangon ang ating bansa mula sa krisis,” saad ni Go.
Namahagi naman ng financial assistance ang DSWD sa ilalim ng AICS program at sa mensahe ni Go ay inihayag nito ang kaniyang pag-aalala na pinayuhan ang mga nagpoproblema sa mga bayarin sa pagpapagamot na magpatulong ang mga ito sa gobyerno dahil may 11 Malasakit Center ang naturang Lungsod na bahagi ng kabuuang 151 centers na naitayo sa buong bansa.
Ang Malasakit Center y isang one-stop shop na mapupuntahan ng mga pasyente upang makakuha ng medical assistance mula sa DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, and Philippine Charity Sweepstakes Office. Mula taong 2018 ay may 3 milyon Filipinos ang naasisyehan na sa buong bansa.
“Batas ito na aking isinulong at pinirmahan ni Pangulong Duterte. Mayroon na ngayong one hundred and fifty-one Malasakit Centers sa buong Pilipinas at tatlumpu’t isa sa Metro Manila. Ang target ng center ay zero balance para wala ng babayaran sa ospital ang mga poor and indigent patients,” pagpapaliwanag ni Go.
Matatagpuan ang mga Malasakit Center sa Lung Center of the Philippines, Novaliches District Hospital, Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Kidney and Transplant Institute, East Avenue Medical Center (EAMC), Veterans Memorial Medical Center (VMMC), Philippine Orthopedic Center, National Children’s Hospital, Philippine National Police General Hospital, at sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC).
Pinasalamatan ni Go ang mga local official sa naging pagsusumikap ng mga itong makapagserbisyo at makaasiste sa pangangailangan ng kanilang mga affected constituent.
Bilang Vice Chair of the Senate Committee on Finance ay sinuportahan ni Go ang pagpapatayo ng iba’t ibang multipurpose buildings, flood control structures, at drainage systems sa kabuuan ng Quezon City.
Kabilang din dito ang ibang major initiatives na kinabibilangan ng rehabilitasyon ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center at VMMC road networks; road and drainage improvement works sa Quirino Highway at P. dela Cruz Road; construction ng advanced cardiac catheterization laboratory at expansion ng bagong emergency room building sa EAMC; at construction ng five-storey multipurpose building sa Camp General Emilio Aguinaldo.
Tagumpay na naipasa ni Go ang Republic Act No. 11501 noong 2020 para maparami ang QMMC’s bed capacity mula sa 500 para maging 1,000 beds, at ang R.A. No. 11561 noong 2021 na ang EAMC’s bed capacity ay naparami mula sa 600 ay naging 1,000 beds.
Bahagi ng pagmamalasakit ni Go sa mga residente ng Quezon City ay nagsagawa ng mga crisis seminar/demonstration sa may 883 household ng Brgy. Pasong Putik nitong March 8.
Ang pamamahagi ng ayuda ay isinagawa grupo-grupo bilang pagpapairal ng strict observance ng health and safety protocols laban sa COVID-19.