Advertisers
Sugatan ang isa sa tatlong drug suspeks na nakasagupa ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa isinagawang buy bust operation sa isang gasoline station sa Mindanao Avenue sa Quezon City.
Ayon kay PDEG director BGen. Randy Peralta, nanlaban ang isang suspek na nakilalang si Ramil Ramos.
Hindi na pumalag ang dalawang iba pa na sina Gibbrael Arcega at Mikkael Arcega.
Sinabi ni Peralta na inaalam na nila kung may kaugnayan ito sa iba pang nahulihan nila ng kilo kilong shabu kamakailan.
Kabilang dito ang nasa P11 billion na halaga ng shabu na nakumpiska sa Infanta, Quezon ng NBI na halos magkakapareho ang pakete ng mga iligal na droga na isinilid sa isang tea bag.
Nasabat sa naturang operasyon ang 57 kilos ng shabu, isang Nissan Urvan na gamit ng mga suspek at kalibre .45 pistola.
Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang isang suspek na kanilang nakaengkwentro.
Katuwang ng PNP DEG sa matagumpay na operasyon ang mga QCPD sa pamumuno ni BGen. Remus Medina.(Mark Obleada)