Advertisers

Advertisers

ORETA NILAMPASO ANG KALABAN SA LATEST SURVEY

0 389

Advertisers

TINAMBAKAN ni District 2 Councilor Enzo Oreta ang katunggali nito sa pagka-Mayor ng Malabon na si Jeannie Sandoval, ayon sa pinakahuling privately commissioned survey ng Philippine Survey and Research Center (PSRC), ang pinakamalaking independent research agency sa bansa na nagsimula pa noong 1974.

Base sa datos na nakalap, 58% ng mga Malabonian ang sumusuporta sa nakababatang kapatid ng kasalukuyang Mayor ng Lungsod, Lenlen Oreta, na si Enzo. Tila lagpak naman sa 32% si Sandoval. 10% naman ang undecided.

Samantala, nangunguna rin ang mga kasama ni Oreta sa Team Pamilyang Malabonian sa pagka-Vice Mayor at Congressman.



Ang re-electionist na si Vice Mayor Ninong Dela Cruz ay nakakuha ng 62% kumpara sa katunggali nito na si Jayjay Yambao na may 25% lamang.

Malaki rin ang lamang ni Congw. Jaye Lacson-Noel na may 63% laban kay Ricky Sandoval na nakakuha lamang ng 29%. Ang survey ay ginawa mula February 25-28 ng taong ito, sa mga botante ng Malabon, may edad 18 pataas sa pamamagitan ng face-to-face interviews na may sample na 600 at margin of error na ± 4% sa 95% confidence level.