Advertisers
BINATIKOS ng Koalisyong Novalenyo Kontra Korapsyon (KNKK) ang napaulat na umano’y insidente ng ‘vote-buying’ sa headquarters ni Congressional candidate at Pharmally executive Rose Nono Lin na naging sanhi ng pagkamatay ng isang senior citizen sa San Bartolome, Quezon City.
Nagsagawa ng protest action at vigil ang KNKK na binubuo ng mass organizations sa Novaliches sa Barangay San Bartolome sa naturang lungsod.
Hiniling ng grupo na mabigyan ng katarungan ang pagkasawi ng 60 anyos na si Emelita Deguangco nitong March 19, 2022 habang naghihintay ng kanyang pangalan sa pila ng pamamahagi ng pera.
Inalmahan din ng grupo ang umano’y pagkakasangkot ni Lin sa kontro-bersyal na Pharmally Pharmaceutical sa sinasa-bing supplier ng overpriced na medical supply ng gobyerno sa panahon ng pandemya.
“Dahil sa bilyun-bil-yong nakurakot ng Pharmally, nagagawa ni Rose Nono Lin ngayon na paasahin ang mga Novalenyo. Ang kapabayaan ni Rose Nono Lin ang nagdulot sa trahedyang eto kung saan ang Senior Citizen nating kababayan ay iniwan at pinabayaan lang mamatay sa ospital,” pahayag ni Sarah Villalino, Convenor ng KNKK at Coordinator ng 1SAMBAYAN-Novaliches.
Ayon sa mga saksi, bago nasawi pumila muna ito ng mahabang oras na naka- bilad sa init ng araw upang hintayin ang payout.
Tumanggi naman ang pamilya ng namayapa na magbigay ng komento sa insidente dahil sa takot.
Ayon sa ulat, maybahay si Rose Lin ni Pharmally Pharmaceutical Financial Manager Lin Wei Xiong na parehong nasangkot sa maanomalyang pandemic sa pagitan ng Department of Health.
Ilang grupo rin ang nagsampa ng kasong plunder laban kay Lin at sa iba pang opisyal ng Phar- mally sa Office of the Ombudsman.