Advertisers
Namatay ang isang pulis nang mahulog at aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm sa Zone 5, Bangued, Abra.
Sa ulat ng Bangued Municipal Police Station (BMPS), kinilala ang biktima na si Pat. Nehemaia Bang-ngo Ballatong, 27, tubong Payawan Lamut, Ifugao, at nakatalaga sa 2nd Provincial Mobile Force Battalion sa Abra.
Sa ulay, nasa loob umano ng banyo ng kanilang barracks ang biktima nang biglang may pumutok na baril. Nang tingnan ng kanyang mga kasamahan, nakita na lamang nila itong duguang nakahandusay.
Posible umanong nahulog ang baril kaya pumutok at tumama sa mukha ng biktima na siya nitong ikinamatay.