Advertisers

Advertisers

Pilipinas bukas na sa mga fully vaccinated foreign nationals

0 407

Advertisers

MAAARI nang makapasok sa bansa ang lahat ng fully vaccinated foreign nationals nang wala nang entry exemption document simula sa Abril 1 matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Pahayag ni acting deputy presidential spokesman Kris Ablan, kinakailangan lamang na sumunod na rin ang mga dayuhan sa visa requirement at immigration entry at departure formalities.

Ayon kay Ablan, kailangan din na magkaroon ng acceptable proof of vaccination.



Ani Ablan, exempted dito ang mga batang edad 12 anyos pababa basta’t kailangan kasama ang mga magulang na mga fully vaccinated na.

Kinakailangan din aniya ng mga vaccinated foreign nationals na mag-presenta ng RT-PCR test na ginawa sa loob ng 28 oras bago ang departure sa isang bansa.

Kailangan din aniyang may pasaporte na valid ng anim na buwan. (Josephine Patricio)