Advertisers

Advertisers

DQ VS MARCOS RERESOLBAHIN SA ABRIL

0 377

Advertisers

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na posibleng tapusin ang lahat ng nakabinbing disqualification case laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos sa Abril.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia, posible raw itong maresolba sa ikalawang linggo ng Abril.

Ito raw ang pinakamaaga sa kanilang pagtaya at kung hindi man kakayanin ay puwede itong ilabas sa ikatlong linggo ng naturang buwan.



Ayon kay Garcia, ito raw ang pagtaya na ibinigay sa kanya ni Comelec Chairman Saidamen Balt Pangarungan.

Una nang sinabi ni Garcia na hindi ito sasali sa pagdedesisyon ng poll body sa disqualification case ni Marcos na dati niyang kliyente sa poll protest ng dating senador kay Vice President Leni Robredo dahil umano sa iregularidad sa halalan noong 2016.

Dahil dito ay hindi na raw nakadalo si Garcia sa mga isinasagawang pagdinig ng Comelec sa mga kasong inihain kay Marcos.

Sakali namang ibasura ang mga kaso na isinampa kay Marcos ay puwede namang magpasaklolo ang mga petitioners sa Supreme Court (SC).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">