Advertisers

Advertisers

Takbong Konsehal huli sa gun ban

0 461

Advertisers

Arestado ang isang kandidato sa pagka-konsehal nang mahuling lumabag sa gun kasama ang apat na iba pa sa Gapan, Nueva Ecija .

Ayon kay Acting Provincial Director Colonel Jesse Mendez, kinilala ang naaresto na si Elizalde Tinio at apat pa nitong kasama.

Nakumpiska sa sasakyan ng mga ito ang 45 caliber na pistol, 38-caliber na revolvers at mga bala.



Batay sa inisyal na imbestigasyon, unang nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad matapos makatanggap ng ulat na may binugbog ang grupo na menor-de-edad.

Dito na naabutan ang lima at nakita pa ang armas sa kanilang sasakyan.

Nahaharap na rin sa kasong child abuse ang mga suspek.