Advertisers

Advertisers

Final testing at sealing ng VCMs isasagawa sa Mayo 2-7 – Comelec

0 328

Advertisers

SA Mayo 2 hanggang 7 itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) ang final testing at sealing ng mga vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa national and local elections sa bansa sa Mayo 9, 2022.

Kaugnay nito, hinikayat ni Comelec Commissioner George Garcia ang publiko at mga partidong political na magtungo sa mga polling precincts sa buong bansa upang personal na saksihan ang naturang aktibidad.

Ayon kay Garcia, bawat presinto ay gagamit ng 10 original ballots para sa eleksiyon at ang mga bisita na sasaksi sa aktibidad ay maaaring siyang sumubok na gamitin ang mga ito.



Sinabi pa ng poll commissioner na maaari ring subukan ng mga volunteers, na lalahok sa final testing at sealing ng VCMs, na mag-undervote o mag-overvote, imali ang shading ng mga balota, at drowingan o punitin ang balota, upang malaman kung tatanggapin ang mga ito ng mga VCMs o hindi.

“Para ma-test natin talaga bang ‘yung balota ko, kinakain ba talaga ‘yan ng machine? Talaga bang ang balota ay tinatanggap, at ‘yung ang boto ko ba ay nabilang nang tama? Doon niyo po makikita para po hindi nagrereklamo,” paliwanag pa niya.

Sa sandali aniyang maselyuhan na ang mga VCMs sa harap ng mga witness, lalagda ang mga kinatawan ng mga political parties ng form na nagsasaad na ang mga naturang VCMs ay walang sira at handa nang gamitin para sa halalan.

Noong Huwebes, idinaos ng Comelec ang random manual checking ng mga official ballots para sa halalan, kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga kinatawan ng mga political parties at mga election stakeholders upang i-check ang kalidad ng mga balota. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">