Advertisers

Advertisers

MAHIHIRAP HUWAG PABAYAAN NG GOBYERNO — SEN. GO

0 448

Advertisers

SA unti-unting pagbubukas ng economic sectors sa iba’t ibang lugar dahil sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 ay muling ipinanawagan ni Senator Christopher “Bong” Go sa gobyerno na pag-ibayuhing higit ang pagtulong sa low-income households na dumadanas ng paghihirap sa kabuhayan.

Hinimok ni Go ang gobyerno sa pagtiyak sa inclusive recovery na ang mga mahihirap ay kinakailangang may mapagkukuhanan ng kanilang pangangailangan para sa pagbangon ng mga ito. Ang apelang ito ay ginawa sa video message nitong March 26 sa Tanay, Rizal.

“Pakiusap, huwag nating pabayaan ang mga kababayan natin, lalung-lalo na ‘yung mga mahihirap, dahil tayo lang ang matatakbuhan nila. Balansehin natin ang pag-ahon ng ating ekonomiya. Unahin natin ang buhay at kapakanan ng bawat Pilipino para masigurong walang maiiwan tungo sa ating muling pagbangon bilang isang mas matatag na bansa,” saad ni Go.



Ang koponan ni Go ay namahagi ng mga pagkain at masks sa 333 residents na grinupo-grupo ang mga ito sa Tanay municipal hall. May mga piling individuals ang binigyan ng bagong pares ng sapatos, bisekleta at computer tablets bilang tulong ngayong panahon ng pandemya.

Bukod diyan, ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development ay namahagi ng financial assistance bilang pantulong sa kabuhayan.

Bilang Chair of the Senate Committee on Health, ay nangako si Go na ipagpapatuloy nito ang gampanin sa gobyerno upang maproteksiyunan ang health and well-being ng mga Filipino sa pamamagitan ng pinalawak na affordable healthcare. Hinimok din nito ang mga maysakit at matatanda na tunguhin ang Malasakit Center upang makabahagi sa medical assistance programs ng gobyerno.

Pangunahing layunin ng Malasakit Center ay mabawasan ang gastusin sa ospital ng mga pasyente. May 151 centers nationwide sa kasalukuyan na ang pinakamalapit ay sa Antipolo City Hospital System Annex IV, Bagong Cainta Municipal Hospital, Casimiro A. Ynares Sr. Memorial Hospital sa Rodriguez, at Margarito A. Duavit Memorial Hospital sa Binangonan.

“Sa mga pasyente dito, hindi niyo na po kailangang bumiyahe para pumila sa iba’t ibang opisina para makahingi ng tulong mula sa gobyerno. Kung may bill kayo, ilapit niyo lang ‘to sa Malasakit Center. Wala itong pinipili. Basta poor at indigent patient ka, qualified ka,” saad ni Go na siyang pangunahing may-akda at sponsor ng Malasakit Centers Act of 2019.



“Hindi niyo na kailangang mahirapan dahil sa totoo lang, pera niyo naman ‘yan. Binabalik lang ito sa inyo sa pamamagitan ng mabilis at maayos na serbisyo mula sa Malasakit Centers,” paliwanag nito.

Pinasalamatan din nito si 2nd District Representative Juan Fidel Nograles at iba pang officials sa patuloy nilang pagseserbisyo at dedikasyon. Nangako rin itong isusulong ang mga programa, proyekto at mga inisyatibang magbebenipisyo ang mga local communities sa abot ng kaniyang kakayahan bilang Vice Chair of the Senate Committee on Finance.

Si Go na adopted son ng CALABARZON region ay nagbigay suporta sa mga naging pagpapatayo ng Taytay Sports Complex, Justice Building sa Antipolo City, at Batangas Medical Center Annex sa Rodriguez.

Ang iba pang major initiatives sa buong lalawigan ay kinabibilangan ng pagpapaayos sa mga kalsada at drainage system sa Angono; construction o improvement ng mga bagong daan at multipurpose building sa Baras; rehabilitation ng mga kalsada, drainage system, slope protection at flood control structures sa Rodriguez; at purchase and installation ng street lights sa San Mateo.

Nitong March 4, ang koponan ni Go ay nagbigay tulong sa 41 new land title holders sa Barangay Santa Ana, Taytay. Lahat ng aktibidades ay isinagawa alinsumod sa ipinaiiral na health and safety protocols laban sa COVID-19.