Advertisers

Advertisers

Singil sa kuryente tataas pa sa mga susunod na buwan

0 163

Advertisers

INANUNSYO ng Energy Regulatory Commission (ERC) na lalo pang tataas ang singil sa kuryente sa mga susunod na buwan dahil sa giyera sa Ukraine at pagsipa ng presyo ng coal na panggatong ng maraming planta.

Subalit ginagawan naman umano ng ERC ng paraan para hindi ganoon kasakit ang epekto sa mga konsumer pagdating ng mga bayarin.

Halimbawa umano ay iyong hindi muna pagsingil ng buong impact ng pagsipa ng presyo ng langis o coal.



“Kung magkakaroon man ng increase, ‘di naman ito ‘yong tipong lahat na lang ng babayaran mapupunta sa kuryente at wala nang maiiwan sa pagkain,” ayon kay ERC Chairperson Agnes Devanadera.

Mas naging mahigpit na rin umano ang ERC sa pagmulta sa mga planta ng kuryenteng pumapalya na lang bigla kahit hindi naman naka-schedule.

Sa pagtaya ng grupong Institute for Climate and Sustainable Cities, puwedeng makaranas ng rotating brownout ang Luzon sa Abril at Mayo kung bigla na namang bumagsak ang maraming planta.

Isinusulong din ng grupong iwasan na ang fossil fuel gaya ng mga plantang coal bilang panggatong dahil ipinapasa lang din sa mga konsyumer ang taas-presyo nito.

Bagaman kalat ang renewable energy sources sa Pilipinas, mas malaki pa rin ang pro-duksiyon ng kuryente gamit ang fossil fuel gaya ng coal at langis.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">