Advertisers

Advertisers

DUTERTE: HABULIN ANG TAX EVADERS!

0 184

Advertisers

INUSISA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kung bakit hindi pa nasisingil ang estate tax.

Sa Talk to the People noong Martes ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na kapos ang pondo ng pamahalaan dahil sa pandemya sa COVID-19.

Gayunman, hindi tinukoy ng Pangulo kung sinong partikular na pulitiko ang pinasisingil sa estate tax.



Tanging ang pamilya ni UniTeam presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hinahabol ng BIR dahil sa hindi nabayarang P203 bilyong estate tax.

“Sa taxation natin, so ang gobyerno can only prod. Hindi naman kailangan ng reminder sa Malacañang. Nandiyan ‘yung BIR so tanungin natin ‘yang BIR bakit hanggang ngayon hindi nakolekta ‘yung estate tax,” ayon sa Pangulo.

Magugunitang iba’t ibang grupo na ang nanawagan sa BIR na kolektahin ang P203 bilyong estate tax ng pamilya Marcos.

Maging si dating Supreme court Justice Antonio Carpio ay nakiisa na rin sa pagkalampag sa gobyerno.

Una nang umalma ang kampo ni presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. na ang sinasabing tax liabilities ay wala pang finality at nakabinbin pa ang kaso sa korte.



Taliwas naman ito sa naging pahayag noon ng BIR at ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na nagpadala na sila ng sulat sa pamilya Marcos noon pang December 2021 para pagbayarin sa P203 bilyong estate tax.