Advertisers
Pumunta si Atty. Alex Lopez sa Golden Mosque and Cultural Center sa Globo de Oro St., Quiapo, Maynila nitong Huwrbes ng umaga.
Dumalo at nakiisa si Atty. Lopez sa kinaugaliang seremonya ng paglilinis ng moske bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Ramadan na magsisimula sa Sabado Abril 2. Hanggang Mayo 2 ng taong kasalukuyan.
Nakibahagi rin ang Philippine Coast Guard upang pangunahan ang aktibidad sa Grand Mosque at sumali si Atty. Alex sa paglilinis.
Pinaalala ni Lopez na si Pangulong Ferdinand Marcos ang responsable sa pagpapatayo ng Grand Mosque. Nakasabay niya si Senadora Imee Marcos, panganay na kapatid ni Bongbong Marcos na kasalukuyang tumatakbong presidente ng Pilipinas, sa pagbisita sa naturang moske at malugod silang tinanggap ng mga lider ng Muslim Community.
Ang mga kapatid natin na Muslim ang ilan sa mga vendors ng Maynila, kungsaan ipinahayag ni Atty. Alex na isusulong nito ang mga karapatan ng mga kapatid nating Muslim at sisiguraduhin na magkakaroon sioa ng marangal na hanapbuhay.
Matatandaan na noong nakaraang linggo, lumagda si Atty. Alex Lopez, Raymond Bagatsing at ilang kumakatawan sa ating mga kapatid na Manilenyong Muslim ng isang kasunduan kung saan nangako silang magkaisa at magdala ng mabuti at inklusibong pamahalaan.